Binigyan nitong Lunes, Disyembre 21, 2020 ng European Medicines Agency (EMA) ng positibong pagtasa ang kaligtasan at bisa ng isang bagong bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Pfizer Pharmaceuticals Ltd. ng Amerika at BioNTech ng Alemanya. Kasunod nito, inaprobahan ng European Commission ang pagpasok sa pamilihan ng naturang bakuna sa loob ng Unyong Europeo (EU) sa ilalim ng ilang kondisyon.
Nang araw ring iyon, inilabas ni Ursula von der Leyen, Tagapangulo ng European Commission, ang pahayag na nagsasabing ipagkakaloob ang nasabing bakuna sa lahat ng mga bansa ng EU, sa parehong panahon at parehong kondisyon. Tinayang idedeliber ang 200 milyong dose ng bakuna bago ang Setyembre, 2021.
Ipinahayag naman ni Direktor Emer Cooke ng EMA na sa kasalukuyan, walang ebidensya ang nagpapakitang hindi mabisa ang nasabing bakuna laban sa bagong mutasyon ng coronavirus na natuklasan sa Britanya.
Salin: Vera
5 COVID-19 vaccine ng Tsina, sumasailalim sa phase III clinical trial
Bahrain, inaprobahan ang paggamit ng bakuna laban sa COVID-19 ng Tsina
CMG Komentaryo: Pangako ng Tsina kaugnay ng bakuna laban sa COVID-19, natutupad
Bakuna ng COVID-19 na idinebelop ng Sinopharm ng Tsina, opisyal nang inirehistro sa UAE