Tsina, nakahandang pasulungin ang pakikipagkooerasyon sa Hapon at Timog Korea

2020-12-23 16:25:07  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Martes, Disyembre 22, 2020, sinabi ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kooperasyon ng Tsina, Hapon at Timog Korea ay mahalagang bahagi at pinanggagalingan ng lakas-panulak ng kooperasyon ng Silangang Asya. Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang kooperasyon ng tatlong bansa, at nakahandang pahigpitin ang pakikipag-ugnayan sa panig Timog Koreano at Hapones, upang mapasulong ang pagtatamo ng trilateral na kooperasyon ng bagong progreso, pasiglahin ang bagong lakas panulak sa pagbangon ng kabuhayan pagkatapos ng pandemiya, at gawin ang bagong ambag sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig.
 

Magkakasamang isinapubliko kamakailan ng naturang tatlong bansa ang mga napiling lunsod bilang lunsod ng kultura ng Silangang Asya sa taong 2021. Kabilang dito ay Shaoxing at Dunhuang ng Tsina, Kitakyushu ng Hapon, at Sunchon ng Timog Korea.
 

Saad ni Wang, pagpasok ng kasalukuyang taon, sa harap ng biglaang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), tuluy-tuloy na sumusulong ang pragmatikong kooperasyon ng tatlong bansa sa iba’t ibang larangan, at nakakuha ng mga positibong bunga.
 

Salin: Vera

Please select the login method