Isa pang bagong mutasyon ng coronavirus, natuklasan sa Britanya

2020-12-24 16:05:20  CMG
Share with:

Inihayag nitong Miyerkules, Disyembre 23, 2020 ni Matt Hancock, Kalihim ng Kalusugan ng Britanya, na mula Disyembre 26, ilalagay sa pinakamataas na lebel ang pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mas maraming lugar sa dakong silangan at timog silangan ng bansa.
 

Ipinatalastas din niya ang deteksyon ng isa pang bagong mutasyon ng coronavirus.
 

Saad ni Hancock, ang bagong mutasyon ng virus ay nakatawag ng napakalaking pagkabahala, dahil mas madaling kumakalat ito.
 

Ang dalawang kasong nahawahan ng nasabing bagong mutasyon ay nagbiyahe kamakailan sa Timog Aprika, dagdag niya.
 

Salin: Vera

Please select the login method