Ayon sa ulat nitong Disyembre 20, 2020 ng pahayagang "Egypt Independent," sinabi ni Noha Assem, Asistanteng Ministro ng Kalusugan ng Ehipto, na sa halos 3 libong boluntaryong kalahok sa clinical trial ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ng Sinopharm ng Tsina, walang naganap na malubhang mga side effect.
Sinabi rin ni Assem, na mahina ang lahat ng mga naiulat na side effect na gaya ng lagnat, pag-ubo, at pamumula sa bahagi ng katawan kung saan ini-iniksyunan ng bakuna.
At nawala ang lahat ng mga ito sa loob ng ilang araw, dagdag niya.
Salin: Liu Kai