Ayon sa ulat nitong Disyembre 19, 2020 ng American Broadcasting Company, mula Disyembre 12 hanggang 18 ay linggong pinakamalubha hanggang sa kasalukuyan ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.
Ayon sa estadistika, sa loob ng linggong ito, lumampas sa 210 libo ang karaniwang bilang kada araw ng mga bagong naiulat na kumpiradong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at lumampas naman sa 18 libo ang karaniwang bilang kada araw ng mga nasawi.
Nang araw ring iyon, inilabas sa website ng Washington Post ang mahabang artikulong may pamagat na "The inside story of how Trump's denial, mismanagement and magical thinking led to the pandemic's dark winter."
Ibinunyag sa artikulo ang mga kamalian ng administrasyon ni Donald Trump nitong nakalipas na mahigit 10 buwan sa paghawak ng pandemiya ng COVID-19.
At isa sa mga ito ay pagbibigay ni Trump ng mas malaking pansin at pagsisikap sa mga isyung pulitikal na gaya ng halalan, kaysa pagharap sa COVID-19, bilang kanyang responsibilidad sa pangangasiwa sa krisis ng kalusugang pampubliko.
Hindi nag-iisa sa bagay na ito. Sa website na politifact.com ng Amerika, pinili ng mga editor at reporter nito ang "coronavirus downplay and denial" bilang pinakamatinding kasinungalingan sa taong ito.
Anang website, sa buong taong ito, binomba ang madla ng mga teorya ng sabwatan at pekeng agham na layong maliitin ang tunay na banta ng COVID-19. At naganap ito sa ilang okasyong kinabibilangan ng mga press briefing at campaign rally ni Trump.
Samantala, ayon naman sa pagtaya ng Institute for Health Metrics and Evaluation ng University of Washington, sa loob ng darating na 3 buwan, mamamatay dahil sa COVID-19 ang mahigit 237 libong Amerikano.
Sa harap ng nakakasindak na bilang na ito, dapat na aminin ng administrasyon ni Trump ang pagkamali nito sa paghawak ng pandemiya.
Salin: Liu Kai
CMG Komentaryo: Elemento ng katatagan, nais idulot ng Tsina sa daigdig
CMG Komentaryo: Tangka ng pagsira sa kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano, tiyak na mabibigo
CMG Komentaryo: Pangako ng Tsina kaugnay ng bakuna laban sa COVID-19, natutupad
CMG Komentaryo: Sangsyon ng Amerika sa mga opisyal ng NPC, di-katanggap-tanggap