Ayon sa estadistika, sapul nang umakyat sa poder ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano noong taong 2017, isinagawa na nito ang mahigit 3,900 hakbangin ng sangsyon.
Bakit nagugustuhan ng politikong Amerikano ang pagpataw ng sangsyon sa iba? Dahil kumpara sa military interference, mas mababa ang gastos ng pagpataw ng sangsyon. Ito ang nagiging isang murang porma ng pagpapalabas ng ilang politikong Amerikano ng kanilang kawalang-kasiyahan.
Ngunit kung ang sangsyon ay nagiging tanging paraan ng isang pamahalaan sa paghawak sa relasyong panlabas, ipinakikitang wala itong katalinuhan sa paglutas sa alitan sa pamamagitan ng tumpak na paraan. Bukod dito, ang madalas na pagpataw ng sangsyon sa iba ay makakapinsala sa sarili sa wakas.
Sa kasalukuyang daigdig, ang paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian ay tumpak na porma sa paghawak sa relasyong pandaigdig. Hindi yuyukod ang anumang soberanong bansa sa umano’y sangsyon, dahil ito ay may kaugnayan sa kanilang dignidad at kapakanan.
Hinding hindi nalulutas ng ilang politikong Amerikanong gustong gamitin ang sangsyon sa iba, ang anumang aktuwal na problema.
Salin: Lito