Sa regular na preskon sa Beijing nitong Huwebes, Disyembre 24, 2020, sinabi ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang umano “clean network” ng panig Amerikano ay, sa katunayan, “coerced transaction.” Ito aniya ay taliwas sa mithiin ng mga mamamayan, at tututulan ng parami nang paraming bansa.
Ayon sa ulat, muling nag-tweet nitong Miyerkules si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, kung saan dumudungis sa konstruksyon ng 5G ng Tsina.
Kaugnay nito, tinukoy ni Wang na ang kilos ng ilang pulitikong Amerikano ay naglalayong pangalagaan ang monopolisadong katayuan ng Amerika sa larangan ng siyensiya’t teknolohiya. Ito aniya ay klasikal na hegemonismong pangkabuhayan, at salungat sa simulain ng kompetisyon ng pamilihan at mga alituntunin ng kalakalang pandaigdig.
Diin ni Wang, hindi hahadlangan ng hegemonismo ang hakbang ng pag-unlad ng mga kompanyang Tsino. Sa kasalukuyan, itinatag na ng Tsina ang 718,000 5G base station, at nabuo ang pinalamalaking 5G network sa buong mundo.
Salin: Vera