Kongreso ng Amerika, pinagtibay ang panukalang batas na may negatibong nilalaman hinggil sa Tsina; Tsina sa Amerika, itigil ang pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina

2020-12-23 16:21:31  CMG
Share with:

Pinagtibay kamakailan ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Estados Unidos ang isang funding bill para sa fiscal year 2021 at isang COVID-19 relief bill, kung saan may mga negatibong nilalaman hinggil sa isyu ng Tibet, Taiwan at Hong Kong.
 

Kaugnay nito, inihayag nitong Martes, Disyembre 22, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing pagtutol dito. Hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa katwiran ng mga kaukulang isyu, upang maiwasan ang ibayo pang pagpinsala sa kooperasyong Sino-Amerikano at pangkalahatang kalagayan ng bilateral na relasyon.
 

Diin ni Wang, ang mga isyu ng Tibet, Taiwan at Hong Kong ay may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at ang mga ito ay mga suliraning panloob ng bansa. Hinding hindi pinahihintulutan ang pakikialam dito ng anumang puwersang panlabas, aniya pa.
 

Buong tatag ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, dagdag niya.
 

Salin: Vera

Please select the login method