Pangarap ng 2020: Pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan

2020-12-29 14:25:34  CMG
Share with:

Pangarap ng 2020: Pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan_fororder_VCG41168839164

 

Sa kabila ng dagok ng COVID-19 sa taong 2020, walang patid ang pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa mga bansang dayuhan at organisasyong pandaigdig sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan.

 

Sa loob ng 2020, halos 40 misyong pangkalawakan ang naisagawa ng Tsina. Kapansin-pansin sa mga ito ang pagdala sa Mundo ng Cheng’e-5 lunar probe ng mga sample galing sa Buwan sa kauna-unahang pagkakataon nitong mahigit 40 taong nakalipas,  pagkompleto at paglunsad ng BeiDou-3 Navigation Satellite System na naglilingkod sa 120 bansa, at paglunsad ng Tianwen-1 Mars Probe.

 

Misyon ng Change-5 lunar probe

 

Bumalik sa Mundo, alas-1:59 AM, Disyembre 17, 2020 ang Chang'e-5 lunar probe ng Tsina.

 

Sa kauna-unahang pagkakataong sa loob ng apatnapu't apat (44) na taong nakalipas, dala nito pabalik ang dalawang kilong samples mula sa Buwan.

 

Pangarap ng 2020: Pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan_fororder_dc38fa84d3074eb0a9021ba21512a645

Pagbalik ng Cheng'e-5 sa Mundo 

 

Dahil dito, ang Tsina ay naging ikatlong bansa sa daigdig na nagdala ng mga samples mula sa Buwan kasunod ng dating Soviet Union at Estados Unidos.

 

Lumapag ang Chang'e-5 sa dakong hilaga ng Mons Rumker sa Oceanus Procellarum na kilala rin bilang Ocean of Storms, sa near side, bahagi ng Buwan na nakikita sa Mundo. Sa kauna-unahang pagkakataon, dumating ng nasabing lugar at kumuha ng mga sample ang sangkatauhan. Makakatulong ito sa ibayo pang pag-alam ng mga tao hinggil sa kasaysayan ng Buwan at pagbabago ng Solar System.

 

Pangarap ng 2020: Pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan_fororder_图片2

Paglapag ng Chang'e-5 sa Buwan 

 

Ang tagumpay ng Chang’e-5 ay hindi maihihiwalay sa pandaigdig na kooperasyon. Ayon sa Outer Space Treaty, ang mga yaman sa outer space ay komong yaman ng sangkatauhan. Ipinangako ng Tsina na ibabahagi sa mga siyentistang dayuhan ang datos at lunar samples na kinuha ng Chang’e-5 Lunar probe. Sa kasalukuyan, mahigit 140 dokumentong pangkooperasyon ang nilagdaan ng China National Space Administration (CNSA), kasama ng 44 na organong pangkalawakan ng mga bansang dayuhan at apat na pandaigdig na organisasyon. Ang pagtutulungan ay sumasaklaw sa paggagalugad sa Buwan, Mars at iba pa. Sa proseso ng pagsasagawa ng Chang’e-5 mission, nakipagtulungan ang Tsina sa mga bansang dayuhan at organisasyong pandaigdig na gaya ng Argentina, Namibia, Pakistan at European Space Agency.

 

BeiDou Navigation Satellite System

 

Nitong nagdaang Hunyo, 2020, inilunsad ng Tsina ang huling satellite ng BeiDou-3 Navigation Satellite System (BDS-3). Nangangahulugan ito ng pagkumpleto ng global navigation constellation ng BDS-3 at paglilingkod nito para sa buong mundo.

Pangarap ng 2020: Pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan_fororder_图片1

Paglulunsad ng huling satellite ng BDS-3

 

Ang proyektong BeiDou na ipinangalan sa Big Dipper constellation sa wikang Tsino, ay inisyal na inilunsad noong 1994. Nagsimula nitong palingkuran ang Tsina noong 2000 at ang rehiyong Asya-Pasipiko noong 2012. Ang BDS ay kasalukuyang nakapagkakaloob ng serbisyo para sa 120 bansa at rehiyon ng daigdig.

 

Ang BDS ay ang ika-apat na satellite navigation system ng daigdig, kasama ng Global Positioning System (GPS) ng Estados Unidos, Galileo Satellite Navigation System ng Europa, at Glonass Navigation Satellite System ng Rusya.

 

Tianwen-1 Mars probe

 

Noong Hulyo 23, 2020, napaimbulog ng Tsina ang Tianwen-1 Mars probe. Nakatakda itong pumasok sa orbit ng Mars sa Pebrero, 2021.

Pangarap ng 2020: Pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan_fororder_图片3

Tianwen-1

 

Kasabay nito, inilunsad din ng United Arab Emirates (UAE) ang kauna-unahang Mars probe ng bansa na tinaguriang Hope. Nakaiskedyul din itong dumating ng Mars sa Pebrero, 2021. Inilunsad ng Amerika ang Perseverance rover patungong Mars at inaasahan din itong lumapag sa Red Planet sa Pebrero, 2021.

 

Ang Mars ay ang planeta sa solar system na pinakamalapit sa Mundo. Ang paggagalugad at pananaliksik sa Mars ay makakatulong sa sangkatauhan para tugunan ang mga sumusunod na tanong: Galing saan at saan pupunta ang mga nilalang sa Mundo? Universal ba o accidental ang pinanggagalingan ng mga nilalang sa salibutan? Layon nitong ibayo pang malaman ng mga tao ang hinggil sa sarili at kalawakan.

 

Sa dagat ng mga tala, ang Mundo ay mistulang isang maliit na barko. Ang sangkatauhan ay mga pasaherong sama-samang nakasakay sa barko. Kung walang pinagbabahaginang kaalaman at yaman, hindi maaabot ng mga tao ang komong pakay ng paggagalugad ng kalawakan. Ang pandaigdig na kooperasyon ay makakatulong sa magkakasamang progreso para sa ikabubuti ng sangkatauhan.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

 

 

Please select the login method