Antonio Guterres, umaasang magiging taon ng paghihilom ng sugat ang 2021

2020-12-30 14:28:45  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambagong-taon, nanawagan si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa komunidad ng daigdig na direktang harapin ang krisis at kahirapang dulot ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), magkaisa at maharmoniyang makipamuhayan sa isat-isa para maging taon ng paghihilom ng sugat ang susunod na taon.

 

Tinukoy din niya na walang ibang pagpipilian kundi ang magkakasamang pagpupunyagi ng komunidad ng daigdig, upang mapagtatagumpayan ang “double crisis” na dala ng pagbabago ng klima at COVID-19.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method