Sa pulong ng Central Commission for Comprehensively Deepening Reform, ipinagdiinan nitong Miyerkules, Disyembre 30, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat patibayin ang kompiyansa sa reporma, at pasulungin ang mas malaking breakthrough sa reporma, tungo sa bagong yugto ng pag-unlad.
Sinuri sa pulong ang ulat ng paglalagom at pagtasa hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma sapul nang idaos ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Hinggil dito, sinabi ni Xi, na mahaharap ang Tsina sa iba’t ibang kontradiksyon at problema sa landas ng reporma, kaya dapat ipatupad ang bagong ideya ng pag-unlad, buuin ang bagong kayarian ng pag-unlad, pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad, at pag-ibayuhin ang may inobasyon at namumunong reporma.
Hinimok din niya ang lahat na palakasin ang mekanismong pangganyak, at lubos na pasiglahin ang sigasig, inisyatiba at pagkamapanlikha ng iba’t ibang panig, upang mapalalim ang reporma sa bagong yugto ng pag-unlad.
Salin: Vera