Pagpapalalim ng reporma sa lupang sakahan sa bagong panahon, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2020-11-02 16:20:57  CMG
Share with:

Ipinagdiinan kamakailan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na kailangang palalimin ang reporma sa sistema ng lupang sakahan sa bagong panahon, at ipauna ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga magsasaka.
 

Hinimok din niya ang pagpapatupad sa mga hakbangin, upang paunlarin ang malalayong lugar, at bigyan ng 30 taong palugit ang kasalukuyang round ng nakontratang lupain.
 

Nanawagan din siya para sa pagpupunyagi ng lahat upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka, at maigarantiya ang karapatan ng mga magsasaka sa nakontratang lupain, sa ilalim ng umiiral na batas.
 

Salin: Vera

Please select the login method