Pagpapayabong ng kanayunan, binigyang-diin ni Xi Jinping

2020-12-30 08:15:44  CMG
Share with:

Pagpapayabong ng kanayunan, binigyang-diin ni Xi Jinping_fororder_139627542_16092508638551n

Sa Sentral na Pulong sa mga Gawain ng Kanayunan na idinaos nitong Disyembre 28 at 29, 2020, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat puspusang pasulungin ang pagyabong ng kanayunan.

 

Sinabi ni Xi, na nitong ilang taong nakalipas, sa pamamagitan ng pagpawi ng karalitaan, naganap ang napakalaking pagbabago sa kanayunan ng Tsina, lubos na lumakas ang kakayahang produktibo ng agrikultura, at nagdoble ang karaniwang kita ng mga magsasaka kumpara noong 2010.

 

Binigyang-diin ni Xi, na pagkaraang matamo ang tagumpay sa pagpawi ng karalitaan, ang pagpapayabong ng kanayunan ay priyoridad ng mga gawaing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan, at mga magsasaka.

 

Aniya, pananatilihin sa loob ng darating na limang taon ang mga patakaran at hakbangin ng pagpawi sa karalitaan, para patuloy na magbigay-tulong sa mga nayong ngayon lamang nai-ahon mula sa kahirapan.

 

Hiniling din ni Xi, na lubos na pahalagahan ang seguridad sa pagkain at produksyon ng pagkain.

 

Dapat isagawa ang mga malakas na hakbangin, para ipatupad ang pinakamahigpit na sistema ng proteksyon sa mga lupang sakahan, dagdag niya.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method