Sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), isinasagawa ng Tsina sa 2020 ang mga hakbangin, para magdulot ng kompiyansa sa sarili at ibang mga bansa ng daigdig, upang pagtagumpayan ang kahirapan.
Habang buong sikap na kinokontrol ang pagkalat ng COVID-19, puspusan ding pinanunumbalik ng Tsina ang mga negosyo at produksyon. Ito ay para hindi lamang igrantiya ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, kundi tugunan din ang pangangailangan sa mga paninda sa loob at labas ng bansa.
Kasabay nito, buong lakas na pinanatili ng Tsina ang maalwang takbo ng lohistika, bilang suporta sa kalakalang pandaigdig.
Halimbawa, sa pamamagitan ng mga regular na tren, eroplano, at bapor pangkarga, inihatid sa taong ito ng Tsina sa iba't ibang lugar ng daigdig ang mahigit 200 bilyong maskarang medikal, 2 bilyong personal protection equipment, at 800 milyong test kit.
Samantala, habang pinapasulong ang pag-ahon ng sariling kabuhayan, nagbibigay-ambag din ang Tsina sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagdaraos ng China International Import Expo, China-ASEAN Expo, at ibang mga aktibidad na pangkalakalan, ibayo pang pinapalawak ng Tsina ang pagbubukas ng pamilihan nito sa labas, para magdulot ng pagkakataong pangnegosyo sa iba't ibang bansa.
Higit sa lahat, hindi limitado ang Tsina sa pagharap sa kasalukuyang mga problema. Sa halip, patuloy nitong tatanawin ang komong pag-unlad sa hinaharap, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng multilateral na kooperasyon.
Sa taong ito, pinapalakas ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kooperasyon sa aspekto ng digital economy. Nilagdaan ng Tsina, kasama ng 10 bansang ASEAN at ibang mga katuwang na bansa, ang Regional Comprehensive Economic Partnership. Pinapasulong din ng Tsina at Unyong Europeo ang talastasan sa kasunduan sa pamumuhunan.
Sa pamamagitan ng mga aktuwal na hakbanging ito, nagsisikap ang Tsina para magdulot ng kompiyansa tungo sa matagumpay na pag-ahon at masaganang kinabukasan.
Salin: Liu Kai
Mga keyword sa 2020: "Pagkakaisa," magdudulot ng pag-asang mapagtatagumpayan ang kahirapan
Top 10 balitang pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina sa 2020, inilabas ng CMG
Pangarap ng 2020: Pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan
Top 10 pinakaimpluwensyal na balitang pandaigdig sa taong 2020, pinili ng China Media Group
Top 10 pinakamalaking balita sa Tsina ngayong 2020, pili ng CMG