Mga keyword sa 2020: "Pagkakaisa," magdudulot ng pag-asang mapagtatagumpayan ang kahirapan

2020-12-30 17:40:44  CMG
Share with:

Mga keyword sa 2020: "Pagkakaisa," magdudulot ng pag-asang mapagtatagumpayan ang kahirapan_fororder_20201230pagkakaisa

Noong pinakagrabe ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina, maraming bansa ang nagpadala ng mga tulong na materyal sa Tsina, at nagpahayag ng pagsuporta sa Tsina sa paglaban sa COVID-19.

 

Habang nakakaapekto ang pandemiya ng COVID-19 sa maraming bansa ng daigdig, ipinagkaloob naman ng Tsina ang mga tulong na materyal na medikal sa mahigit 150 bansa at 9 na organisasyong pandaigdig, at ipinadala ang 36 na tulong na grupong medikal sa 34 na bansa.

 

Pagpasok ng ngayong Disyembre, sunud-sunod ding dumarating sa ilang bansang gaya ng Ehipto, United Arab Emirates, Indonesya, Brazil, Turkey, at iba pa, ang mga bakuna kontra COVID-19 na idinebelop at ginawa ng mga kompanyang Tsino.

 

Nauna rito, lumahok ang Tsina sa COVAX, bilang suporta sa pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna, lalung-lalo na sa mga umuunlad na bansa.

 

Mula sa mga pangyayaring ito, nakita natin ang kahalagahan ng pagkakaisa.

 

Kahit malaki ang problemang gaya ng COVID-19, kung buong pagkakaisa natin itong haharapin, may pag-asang mapagtatagumpayan ang problema.

 

Batay din sa ideya ng pagkakaisa, nilagdaan noong nagdaang Nobyembre ng 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations at 5 katuwang na bansa nila ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Sa pamamagitan nito, nabuo ang pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa daigdig.

 

Magdudulot din ito ng pag-asa sa atin, para pasulungin ang pag-ahon ng kabuhayang apektado ng COVID-19, at isakatuparan ang magandang kinabukasan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method