Muling nagbotohan nitong Biyernes, Enero 1, 2021 ang Mataas na Kapulungan ng Amerika sa National Defense Authorization Act (NDAA) sa fiscal year 2021. Sa gayo’y muling pinawalang-bisa ang beto ni Pangulong Donald Trump sa nasabing defense bill.
Sa pamamagitan ng 80 boto ng pagsang-ayon at 13 boto ng pagtutol, pinagtibay ng Mataas na Kapulungan ng Amerika ang NDAA. Dahil muling ipinasa ng Mababang Kapulungan ang nasabing panukalang batas noong ika-28 ng Disyembre, isinabatas ang NDAA, sa kondisyon ng kawalang-paglagda ng pangulo.
Salin: Vera