Tibet at Taiwan-related bill ng Amerika, mariing tinututulan ng Tsina

2020-12-29 11:06:58  CMG
Share with:

Bilang tugon sa paglagda kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa panukulang batas na may kaugnayan sa Tibet at Taiwan, ipinagdiinan nitong Lunes, Disyembre 28, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Tibet at Taiwan ay may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Ito ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at hindi nito pahihintulutan ang panghihimasok ng anumang dayuhang puwersa.
 
Diin ni Zhao, buong tatag ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method