Ayon sa China National Space Administration (CNSA), hanggang ngayong umaga, Linggo, ika-3 ng Enero 2021, 163 araw nang lumilipad ang Tianwen-1 probe ng Tsina sa biyahe nito papuntang Mars, at nakapaglakbay na ito ng mahigit sa 400 milyong kilometro.
Ayon pa rin sa CNSA, halos 8.3 milyong kilometro ang diretsong distansiya ng Tianwen-1 mula sa Mars, at inaasahan itong papasok sa orbita ng Mars sa susunod na buwan, para lumpag sa planetang ito.
Salin: Liu Kai