Naging laman kamakailan ng balita ng Daily News ng Sweden ang pagpapataw ng panig Amerikano ng presyur sa Sweden, kaugnay ng pagsasa-isang-tabi ng Huawei sa konstruksyon ng 5G ng Sweden.
Hinggil dito, inihayag nitong Lunes, Enero 4, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na muling nagpapatunay ang nasabing ulat na ang Amerika ay siyang bansang nagsasagawa ng pagbabanta, pagpapain at “coercive diplomacy” sa buong mundo. Ang Tsina ay biktima ng coercive diplomacy ng Amerika.
Saad ni Hua, kapansin-pansin ang natamong bunga at namumunong bentahe ng kaukulang kompanyang Tsino sa larangan ng 5G. Umaasa aniya ang panig Tsino na ipagkakaloob ng mga kaukulang bansa ang makatarungan, patas, bukas, maliwanag at walang pagtatanging kapaligirang pangnegosyo sa normal na pamamlakad at kooperasyon ng mga may kinalamang kompanya.
Salin: Vera