Tsina, tumututol sa pagsasapulitika ng isyung pangkabuhayan at pangkalakalan

2021-01-05 14:20:16  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pagpapasimula kamakailan ng New York Stock Exchange sa proseso ng pag-delist sa 3 Chinese telecom corporations, ipinahayag nitong Lunes, Enero 4, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang pagsasapulitika ng panig Amerikano sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.

 

Sinabi ni Hua na nagmamalabis  ng puwersang pang-estado ang panig Amerikano, nagpapalawak ng konsepto ng pambansang seguridad, at walang batayang pinipigil ang mga kompayang Tsino.

 

Dagdag pa niya, ang mga kaukulang kilos ng panig Amerikano ay grabeng lumalabag sa prinsipyo ng kompetisyon ng pamilihan at pandaigdigang regulasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na laging ginagamit sa panggigipit ng panig Amerikano.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method