Ayon sa pinakahuling datos na inilabas kamakailan ng Departamentong Piskal ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina, noong 2020, umabot sa 177.6 bilyong dolyares ang gugulin ng Tibet sa mga pangunahing larangang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, at ito ay katumbas ng 80.4% ng kabuuang pondong piskal ng Tibet.
Sapul nang simulan ang Ika-13 Panlimahang Taong Plano, lumampas sa 10% ang karaniwang taunang bahagdan ng paglaki ng gugulin para sa mga pangunahing larangan ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ayon sa Departamentong Piskal ng Tibet, sa aspekto ng laang-gugulin sa segurong panlipunan, kinumpleto ng Tibet ang sistema ng pagbibigay-garantiya sa pamumuhay ng mga residente sa mga lunsod at nayon sa pinakamababang antas.
Bukod dito, mahigit 600,000 estudyante ang nakinabang sa seguro ng edukasyon.
Itinayo rin sa Tibet ang sistema ng segurong medikal sa iba’t ibang antas.
Salin: Vera