Sinabi kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ang kasunduan ng Tsina at Unyong Europeo (EU) sa pamumuhunan ay isang mahinang kasunduan.
Kaugnay nito, ipinagdiinan nitong Miyerkules, Enero 6, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kahandaan ng kanyang bansa na patuloy na makipagkooperasyon sa iba’t ibang panig na kinabibilangan ng EU, upang hanapin ang mas malaking komong kapakanan, at isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta sa mas mataas na antas.
Saad ni Hua, unibersal na ipinalalagay ng iba’t ibang panig na ang naturang kasunduan ay milestone ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Europa, at ito rin ay tagumpay ng multilateralismo.
Dagdag niya, sa napakahirap na kalagayan ng malubhang resesyong pangkabuhayan na dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang pagkakalagda sa nasabing kasunduan ay makakabuti sa pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at pagtatanggol sa bukas na kabuhayang pandaigdig, na nakabatay sa mga alituntunin.
Salin: Vera