Layon ng Tesla sa paglalabas ng mga bagong sasakyang mababa ang presyo, palawakin ang merkado sa Tsina

2021-01-07 16:40:32  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Tesla Inc. sa pamilihan ng Tsina ang dalawang bagong modelong gawa sa bansa.

 

Tatlumpung porsiyentong mas mababa ang presyo ng dalawang modelong ito kumpara sa mga parehong modelong yari sa labas ng Tsina.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Song Xinghai, CEO ng isang malaking new energy vehicle dealer ng Tsina, na sa harap ng kompetisyong dulot ng mga Tsinong kompanyang tagayari ng electric vehicle, ang hakbang na ito ng Tesla ay naglalayong panatilihin ang bentahe nito at palawakin ang merkado sa Tsina.

 

Ito rin aniya ay nagpapakita ng malakas na pang-akit ng pamilihan ng new energy vehicle ng Tsina sa puhunang dayuhan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method