Isinapubliko Martes, Disyembre 15, 2020 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang datos ng takbo ng pambansang kabuhayan noong Nobyembre.
Ipinakikita ng datos na noong nagdaang buwan, tuluy-tuloy na bumuti ang indeks ng ekonomiya ng Tsina, at tuluy-tuloy na lumitaw ang tunguhin ng pagpapanumbalik ng pambansang kabuhayan.
Ayon sa datos, noong Nobyembre, lumaki ng 7.0% ang added value ng industry above designated size kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at nanatiling mabilis ang paglaki ng produksyon ng industriya.
Samantala, lumaki ng 8.0% ang indeks ng produksyon ng industriya ng serbisyo, at ito ay 0.6% na mas mataas kumpara noong Oktubre.
Sa aspekto ng pangangailangan, noong nagdaang buwan, tumaas ng 5% ang kabuuang halaga ng tingiang benta ng consumer products na panlipunan, at ang bahagdan nito ay lumaki ng 0.7% kumpara noong Oktubre.
Mula Enero hanggang Nobyembre, lumaki ng 2.6% ang fixed assets investment ng bansa. Kabilang dito, tumaas ng 0.2% ang private-sector fixed-asset investment, at ito ang kauna-unahang positibong bahagdan nito sa loob ng kasalukuyang taon.
Gayun pa man, lumaki ng 7.8% ang pag-aangkat at pagluluwas noong Nobyembre.
Sinabi ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng nasabing kawanihan, na posibleng patuloy na bibilis ang paglago ng kabuhayan sa ika-4 na kuwarter. Kabilang sa mga pangunahing ekonomiya sa daigdig, ang Tsina ay may pag-asang magsisilbing siyang tanging ekonomiya na may positibong paglago sa buong taon.
Salin: Vera
OECD: Malakas na pagbangon ng kabuhayan, nakikita sa mga bansa ng G20 sa Q3 ng 2020
Pagbangon ng kabuhayang Tsino, makikita sa lumalaking cargo transportation index
Mga kompanyang dayuhan, may kompiyansa sa prospek ng kabuhayang Tsino—Ministring Panlabas ng Tsina
Mga pilot free trade zone, nagpapakita ng mas malawak na pagbubukas sa labas ng Tsina