Mutasyon ng coronavirus, magiging bagong hamon sa taong 2021—dalubhasa ng WHO

2021-01-08 15:56:38  CMG
Share with:

Sinabi nitong Huwebes, Enero 7, 2021 ni Hans Kluge, Regional Director for Europe ng World Health Organization (WHO), na pagpasok ng taong 2021, nagkakaroon ang mundo ng mga bagong kagamitan kontra pandemiya ng Coronavirus Disease 2021 (COVID-19) na gaya ng mga bakuna, subalit nahaharap din ito sa mga bagong hamong gaya ng mutasyon ng virus.
 

Saad ni Kluge, kabilang sa 53 bansang pinangangasiwaan ng Tanggapan ng WHO sa Europa, natuklasan ang mutasyon ng coronavirus sa 22 bansa. Mas madaling kumalat ang mutasyon ng virus. Kung hindi makokontrol ang pagkalat ng mutasyon ng virus, magpapataw ito ng mas malaking presyur sa sistemang medikal.
 

Nanawagan siya sa iba’t ibang bansa na bigyang-babala ang mga pangyayari na abnormal at mabilis na pagkalat ng epidemiya, at ibahagi ang mas maraming datos.
 

Salin: Vera

Please select the login method