Ayon sa ulat ng website na Yahoo Japan kamakailan, nagsimula nang isahimpapawid ang dokumentaryong pinamagatang "China in the Post-pandemic Era.”
Ang nasabing dokumentaryo ay ginawa ng Japanese direktor na si Ryo Takeuchi.
Ipinakikita ng dokumentaryo ang ginawang pagsisikap ng mga mamamayang Tsino para labanan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinalalagay nitong ang pagsasakatuparan ng Tsina ng pagbangon ng kabuhayan, kasabay ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, ay bunga ng magkakasamang pagsisikap ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino, sa halip na umasa lamang sa lakas ng pamahalaan.
Salin: Vera