Bilang ng mga nahawahan ng COVID-19 sa Amerika, posibleng 4 na ulit na mas mataas sa naitalang kumpirmadong kaso

2021-01-08 18:18:48  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Cable News Network (CNN) ng Estados Unidos nitong Martes, Enero 5, 2021, ipinakikita ng pinakahuling pananaliksik ng magasing “Journal of the American Medical Association (JAMA)” na ang bilang ng mga nahawahan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika ay posibleng 4 na ulit na mas mataas sa kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso.
 

Hanggang noong kalagitnaan ng nagdaang Nobyembre, isa sa bawat 7 residenteng Amerikano ang nahawahan ng COVID-19. Naiulat ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika ang halos 10.8 milyong kumpirmadong kaso. Pero ipinakikita ng pananaliksik na halos 46.9 milyon ang aktuwal na bilang ng mga nahawahan.
 

Ipinakikita rin ng nasabing pananaliksik na posibleng hindi naiulat ang halos 35% kaso ng pumanaw.
 

Salin: Vera

Please select the login method