Ang Congo-Kinshasa ay ang ikalawang hinto ng isinasagawang pagbisita ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa 5 bansa sa Aprika.
Sa kanyang pananatili sa Congo-Kinshasa, nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road.”
Dahil dito, ang bansang ito siyang naging ika-45 bansang Aprikano na sumapi sa inisyatiba ng “Belt and Road.”
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhu Jing, Embahador ng Tsina sa Congo-Kinshasa, na bilang designadong bansang tagapangulo ng Unyong Aprikano, ang pagsapi ng Congo-Kinshasa sa nasabing inisyatiba ay may mahalaga at positibong katuturan para sa kooperasyong Sino-Aprikano.
Salin: Lito
Pulido: Rhio