Gaborone, Botswana—Nilagdaan nitong Huwebes, Enero 7, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at ng kanyang Botswanian counterpart na si Lemogang Kwape ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa kooperasyon sa Belt and Road Initiative (BRI).
Saad ni Wang, ang BRI ay mahalagang mungkahi sa kooperasyong pandaigdig na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ito rin ay produktong pampubliko na ipinagkakaloob ng Tsina sa komunidad ng daigdig.
Aniya, pinag-uukulan ng BRI ng pokus ang pagbibigay-tulong sa pagpapalakas ng mga umuunlad na bansa ng konstruksyon ng imprastruktura, upang mas mainam na isakatuparan ang konektibidad.
Dagdag niya, ang Botswana ay ika-46 na partner ng BRI sa Aprika. Ang BRI ay magkakaloob ng bagong pagkakataon, magpapalawak ng larangan, at makakalikha ng bagong prospek para sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Botswana.
Salin: Vera