Bilang tugon sa pagbeto ng Australya sa normal na alok ng kompanyang Tsino sa katuwiran ng pambansang seguridad, ipinahayag nitong Martes, Enero 12, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kilos ng panig Australyano ay hindi lamang hadlang sa mainam na tunguhin ng pag-unlad ng pragmatikong kooperasyong Sino-Australyano, kundi nakakapinsala rin sa sarili nitong imahe at reputasyon.
Ipinagdiinan ni Zhao na ang pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win result ay esensya ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Australya.
Umaasa ang panig Tsino na igigiit ng panig Australyano ang prinsipyo ng bukas na merkado at pantay na kompetisyon, at magkakaloob ng pantay, bukas, at walang-kinikilingang kapaligirang pangnegosyo sa mga bahay-kalakal ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio