Mga sinasabi ng ilang kanluraning media tungkol sa mga miyembro ng CPC, walang katotohanan at batayan

2020-12-16 17:29:32  CMG
Share with:

Bilang tugon sa mga sinasabi ng ilang British at Australian media, na ang mga miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay lihim na nakatalaga sa mga kagawaran ng estado, pamantasan at bangko ng Britanya at ibang mga bansang kanluranin, at sila ay maaring mga ispiya, sinabi kahapon, Martes, ika-15 ng Disyembre 2020, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang katotohanan at batayan ang mga paratang na ito.

 

Ito aniya ay walang iba kundi isa pang bersyon ng di-umano ay "banta ang Tsina."

 

Sinabi rin ni Wang, na nagsisikap ang CPC at mga miyembro nito para sa kagalingan ng mga mamamayang Tsino, kapayapaan ng mundo, at pag-unlad ng sangkatauhan. Bukas at hindi pinagtatakpan aniya ang kanilang mga kilos.

 

Dapat itigil ng ilang tauhang kontra-Tsina ang hindi totoong bintang at panunuligsa sa Tsina at CPC, diin ni Wang.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method