Mahigit 9 na milyong dosis ng bakuna laban sa COVID-19, naibigay na ng Tsina: adverse reaction, maliit

2021-01-10 11:01:34  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Sabado, ika-9 ng Enero 2021, ni Zeng Yixin, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, mahigit 9 na milyong dosis ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang naibigay na sa mga mamamayang Tsino.

 

Ayon sa estadistika ng naturang komisyon, sa mga nabakunahan, mayroon lamang 6 na abnormal adverse reaction sa kada sampung libo, at isa lamang sa kada 1 milyon ang nagkaroon ng malubhang adverse reaction.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Zeng, na ipinakikita ng estadistika, na ligtas ang mga bakunang idinebelop ng Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method