Kalakalang panlabas ng Tsina, tumaas ng 1.9% sa taong 2020

2021-01-14 15:29:02  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko Huwebes, Enero 14, 2021 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 32.16 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina noong 2020, at ito ay lumaki ng 1.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Kabilang dito, 17.93 trilyong yuan ang halaga ng pagluluwas, na tumaas ng 4%; samantalang 14.23 trilyong yuan naman ang halaga ng pag-aangkat, na bumaba ng 0.7%.
 

Nitong nakalipas na 7 buwan, kapuwa naging pinakamataas sa kasaysayan ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas, at kabuuang halaga ng pagluluwas ng Tsina.
 

Ang Tsina ay siyang tanging pangunahing ekonomiya sa daigdig na nagsakatuparan ng paglago ng kalakalan ng panininda sa taong 2020.
 

Salin: Vera

Please select the login method