93 bagong domestikong kumpirmadong kaso ng COVID-19, naitala sa Chinese mainland nitong Enero 17

2021-01-18 15:51:47  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 109 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Linggo, Enero 17, 2021.
 

Kabilang dito, 93 ang domestikong kaso, samantalang 16 naman ang nagpositibong galing sa labas ng bansa.
 

Walang pumanaw sa araw na ito.
 

Hanggang magha-hating gabi ng Enero 18, 1,301 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
 

Salin: Vera

Please select the login method