Di-kukulangin sa 7 uri ng mutasyon ng coronavirus, natuklasan sa buong mundo sa loob ng 1 buwan; Dalubhasa: di-kailangang matakot

2021-01-15 18:17:10  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), mula noong ika-14 ng nagdaang Disyembre hanggang kasalukuyan, lumitaw sa buong mundo ang di-kukulangin sa 7 uri ng mutasyon ng coronavirus.
 

Kabilang dito ay dalawa sa Britanya, isa sa Timog Aprika, isa sa Nigeria, isa sa Hapon at Brazil, at dalawa sa Amerika.
 

Sa kasalukuyan, natuklasan ang mga mutasyon ng virus sa mahigit 70 bansa.
 

Mahigpit na sinusubaybayan ng mga siyentipiko ng maraming bansa ang pagbabago ng gene ng virus. Kasabay ng pagpapatuloy ng pandemiya, posibleng lumitaw ang mas maraming uri ng  mutasyon.
 

Pero ipinahayag naman ng dalubhasa na di kataka-taka ang paglitaw ng mga mutasyon. Nanawagan ang WHO sa mga mamamayan na huwag matakot dito.
 

Salin: Vera

Please select the login method