Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ng Pilipinas nitong Linggo, Enero 17, 2021, lumampas na sa 500,000 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Covonavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa mga dalubhasa, ang tunguhin ng pagtalbog pabalik ng pandemiya sa Pilipinas ay may kaugnayan sa pagtitipun-tipon ng mga tao noong bakasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Ayon sa DOH, hanggang alas kuwatro ng hapon, kahapon, 1,895 ang mga bagong naidagdag na kumpirmadong kaso sa loob ng 24 na oras.
Sa kabilang dako, 500,577 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso, samantalang 9,895 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Dahil sa tuluy-tuloy na pagkalat ng pandemiya, pinapabilis ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagbili ng bakuna kontra COVID-19. Binabalak ng bansa na bumili ng halos 148 milyong dosis ng bakuna sa kasalukuyang taon, para bakunahan ang halos 70 milyong mamamayan.
Salin: Vera