Kasunduang komersyal ng Subic-Clark railway project na popondohan ng Tsina, nilagdaan

2021-01-16 14:43:01  CMG
Share with:

Kasunduang komersyal ng Subic-Clark railway project, nilagdaan_fororder_20210116Clark550

 

Nilagdaan ngayong araw Enero16, 2021 sa Maynila, ng Tsina at Pilipinas ang kasunduang komersyal ng Subic-Clark railway project para palalimin ang kooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa.
 

Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng halos US$940 million ay popondohan ng Tsina.
 

Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking government-to-government o G-to-G project ng dalawang bansa. Ito rin ay isang flagship project sa ilalim ng “Build, Build, Build”program ng Pilipinas.
 

Ang proyektong ito ay mahalagang bahagi ng plano ng pamahalaang Pilipino na magtatayo ng railway network sa rehiyon ng Luzon. Ang nasabing single-track cargo railway na may habang 71 kilometro ay itatayo sa Sentral Luzon, sa pagitan ng Subic Bay Freeport Zone and Clark International Airport. Ito rin ay magiging karugtong ng North Railway Project ng Department of Transportation.

Kasunduang komersyal ng Subic-Clark railway project, nilagdaan_fororder_20210116Clark2550

Tatagal nang di-kukulangin sa 42 buwan ang konstruksyon ng daambakal.
 

Sa sandaling makumpleto, mabisang mapapataas ng daambakal na ito ang episiyensiya ng transportasyon ng kalakal at mapapababa ang gastusin ng transportasyon para pasiglahin ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga rehiyon sa paligid ng daambakal.
 

Sa susunod na yugto, magsasanggunian ang mga pamahalaan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa kasunduan ng pautang.

 

Ulat: Ernest

Pulido: Mac/Jade

Web-edit: Lito

Please select the login method