118 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19, naitala sa Chinese mainland nitong Enero 18

2021-01-19 11:43:05  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 118 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Lunes, Enero 18, 2021.
 

Kabilang dito, 106 ang domestikong kaso, samantalang 12 naman ang nagpositibong galing sa labas ng bansa.
 

Walang pumanaw sa araw na ito, at wala ring bagong pinaghihinalaang kaso.
 

Hanggang magha-hating gabi ng Enero 19, 1,387 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
 

Salin: Vera

Please select the login method