Sangsyon, isasagawa ng Tsina sa ilang politikong Amerikano

2021-01-21 14:42:42  CMG
Share with:

Nitong ilang taong nakalipas, dahil sa sariling pribadong kapakanang pulitikal at pagkiling at pagkapoot sa Tsina, binawela ng ilang politikong Amerikano ang kapakanan ng mga mamamayang Tsino at Amerikano, grabeng pinanghimasukan ang mga suliraning panloob ng Tsina, pininsala ang kapakanan ng Tsina, at sinira ang relasyong Sino-Amerikano.

 

Bilang tugon, ipinasiya ng panig Tsino na isagawa ang sangsyon sa 28 pangunahing may kagagawan sa grabeng paglapastangan sa soberanya ng Tsina.

 

Kabilang sa mga ito si Mike Pompeo.

 

Alinsunod sa sangsyon, pagbabawalang pumasok sa Chinese Mainland, Hong Kong, at Macao ang naturang 28, pati na rin ang kanilang mga kamag-anakan.

 

Bukod dito, lilimitahan din  ang nasabing mga politikong Amerikano, kompanya at organo na makipag-ugnayan at makipagnegosyo sa Tsina.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method