Sa regular na news briefing ng Ministri ng Komersyo ng Tsina nitong Huwebes, Enero 21, 2021, inihayag ni Tagapagsalita Gao Feng ang kahandaan ng Tsina na lagdaan, kasama ng mas maraming trade partner ang kasunduan sa malayang kalakalan, at aktibong isaalang-alang ang pagsapi sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP).
Nang mabanggit ang plano ng Tsina sa pagpapalawak ng kasunduan sa malayang kalakalan sa susunod na hakbang, isiniwalat ni Gao na sa isang banda, ibayo pang palalawakin ng bansa ang network ng malayang kalakalan. Aniya, nakahanda ang Tsina na lagdaan, kasama ng mas maraming trade partner ang kasunduan sa malayang kalakalan, upang mapasulong ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan. At sa kabilang banda naman, puspusang patataasin ang lebel ng kasunduan sa malayang kalakalan.
Dagdag ni Gao, ibayo pang patataasin ng Tsina ang proporsyon ng serong taripa ng kalakalan ng paninda, paluluwagin ang market access ng kalakalan ng serbisyo at pamumuhunan, at aktibong sasali sa talastasan ng mga bagong alituntuning may kinalaman sa digital economy, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa.
Salin: Vera