Inimbento kamakailan ng ilang media at politiko ng ilang bansang kanluranin ang mga ulat na nagsasabing ang mga miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay lihim na nakatalaga sa mga konsulada ng ibang bansa sa Shanghai at mga sangay na Tsino ng mga dayuhang kompanyang gaya ng IKEA, Volkswagen at Pfizer.
Samantala, kahit hindi ipinakikita ang anumang ebidensya, sinabi rin ng mga ulat, na ang naturang mga miyembro ng CPC ay maaring mga ispiya.
Siyempre, walang katotohanan at batayan ang mga paratang na ito. Ito ay walang iba kundi isa pang bersyon ng di-umano ay "banta ang Tsina."
Nagsisikap ang CPC at mga miyembro nito para sa kagalingan ng mga mamamayang Tsino, kapayapaan ng mundo, at pag-unlad ng sangkatauhan. Bukas at hindi pinagtatakpan ang kanilang mga kilos.
Dapat itigil ng ilang tauhang kontra-Tsina ang hindi totoong bintang at panunuligsa sa Tsina at CPC.
Salin: Liu Kai