Sa talumpating binigkas nitong Lunes, Enero 24, 2021, sa pamamagitan ng video link sa Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF), binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat igiit ng komunidad ng daigdig ang pangmalayuang pananaw, at tupdin ang pangako, para ibigay ang kinakailangang suporta sa mga umuunlad na bansa at pangalagaan ang kanilang mga lehitimong kapakanan sa pag-unlad.
Dapat palakasin ang pagkakapantay-pantay sa mga karapatan, pagkakataon at tuntunin, upang ang lahat ng mga bansa ay makinabang sa mga pagkakataon at bungang dulot ng pag-unlad, dagdag niya.
Salin: Liu Kai