Panig Tsino, umaasang obdyektibo’t makatarungang pakikitunguhan ng bagong pamahalaan ng Amerika ang relasyon sa Tsina

2021-01-27 16:15:18  CMG
Share with:

Sinabi nitong Martes, Enero 26, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na pupulutin ng bagong pamahalaan ng Amerika ang aral hinggil sa maling pakataran ng pamahalaan ni Donald Trump sa Tsina, obdyektibo’t makatarungang pakikitunguhan ang Tsina at relasyong Sino-Amerikano, at isasagawa ang positibo’t konstruktibong patakaran sa Tsina.
 

Nauna rito, inihayag Lunes, Enero 25 ng tagapagsalita ng White House na isasagawa ng Amerika ang mainit na kompetisyon laban sa Tsina, at hahawakan ni Pangulong Joe Biden ang relasyon sa Tsina, sa pamamagitan ng pasensya.
 

Kaugnay nito, sinabi ni Zhao na bilang dalawang malaking bansa, may malawakang komong kapakanan ang Tsina at Amerika sa mga aspektong gaya ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig, at pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng daigdig.
 

Ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpili ng kapuwa panig, dagdag niya.
 

Salin: Vera

Please select the login method