Sa news briefing na idinaos nitong Miyerkules, Enero 27, 2021 ng Mekanismo ng Konseho ng Estado sa Magkakasanib na Pagpigil at Pagkontrol, ipinahayag ni Zeng Yixin, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na hanggang Enero 26, mahigit 22.76 na milyong dosis na ng bakuna laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang nai-iniksiyon sa buong bansa.
Isiniwalat pa niyang maayos at matatag sa kabuuan ang proseso ng pagbabakuna, at walang tigil na lumalaki ang bilang ng mga nababakunahan sa iba’t-ibang lugar ng bansa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio