Si Tinny Blair, 29 na taong gulang, ay isa sa mga 30,000 Pilipinong gumagamit ng 51Talk online education platform na nakabase sa Beijing, para magturo ng wikang Ingles sa mga batang Tsino.
Sa pamamagitan ng trabahong ito, puwedeng magtrabaho si Blair mula sa bahay, magkaroon ng magandang kita at maginhawang buhay, lalo na ngayong panahon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Si Blair ay may digri sa Pangangasiwa ng Otel at Restawran, at nagtrabaho siya bilang barista sa isang kapihan sa loob ng limang taon, bago naging guro sa tenis.
Noong Marso 2020, naapektuhan ang trabaho ni Blair, dahil sa lockdown sa panahon ng pandemiya. Kaya, hinanap niya ang trabaho na puwedeng gawin sa bahay, at ligtas mula sa COVID-19.
Nalaman sa pamamagitan ng social media ni Blair ang tungkol sa nabanggit na online education platform. Pagkaraang manood ng ilang video ng pagbibigay ng mga guro ng leksiyon sa platapormang ito, nagka-inspirasyon siyang pasukin din pagtuturo at maging isang guro.
"Bagong kasal ako noong nalaman ko ang tungkol sa opurtunidad na ito. Sinuportahan ako ng aking asawa, dahil ang pangarap ko noong bata pa ay maging guro. Masaya ang asawa ko sa panonood sa akin habang nagtuturo ako." sabi ni Blair.
Sa kasalukuyan, halos isang taon nang nagtatrabaho si Blair sa naturang plataporma. Ipinalalagay niyang, maginhawa ang pagiging online na guro mula sa bahay, dahil nagbibigay ito ng maluwag na iskedyul. "Ligtas din ito, dahil hindi ko kailangang umalis sa bahay, kaya ang pagkahawa ng virus ay malayo sa aking isipan," dagdag niya.
Bilang gurong Pinoy, matamis ang ngiti ni Blair at malambing ang kanyang boses, at higit pa rito, mayroon din siyang talento sa musika. Sa kaniyang klase, ibinibigay din ni Blair sa kanyang estudyante ang kasiyahang handog ng musika.
"Tuwing nakikita ng isang bagong estudyante na kumukuha ako ng gitara, napapansin kong mas nakikinig at interesado siya. Bilang isang mahilig sa musika, ang pagsasama ng musika sa aking mga leksiyon ay tumutulong sa akin na paghiwalayin ang mga pantig sa mga tono, upang mas madali nilang matandaan," paliwanag niya.
Hinihikayat din ni Blair ang kanyang mga batang estudyante na kumanta kasabay niya, para hindi sila mailang sa pagsasalita sa klase. Dahil dito, nagustuhan din siya ng mga magulang.
Dahil sa pasyong ipinakikita ni Blair sa kanyang mga leksiyon, hindi kataka-taka na ang marami sa kanyang mga estudyante ay kingiliwan siya, at may malaking naipakitang pagsulong sa kanilang pagtuto ng wikang Ingles.
Ipinahayag ni Blair ang lubos na kasayahan at pagmamalaki para rito. "Tuwang-tuwa akong makitang ang aking mga estudyante ay nagkaroon ng paglaki hindi lamang sa katalinuhan, kundi rin sa pagkatao. Nais kong masaksihan ang kanilang pagiging mas mabuting tao at makasama sila masaya man o malungkot sila. Sa lahat ng ginagawa ko, sinisiguro kong ipakita ang pagmamahal," sabi ni Blair.
Ang kuwento ni Blair ay tipikal na halimbawa ng kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino na nagtatrabaho online. Kasama ng mas mababang peligro na mahawahan ng COVID-19, nagkakaroon din ang mga online na guro ng mas mahusay na balanse sa pagitan ng trabaho at pamumuhay.
Sa kasalukuyan, may 30,000 aktibong gurong Pilipino sa naturang online education platform bawat kuwarter. Gusto ng kompanyang Tsinong mag-ari ng plataporma na itaas ang bilang na ito sa 100,000, para magkaroon ang mas marami pang Pilipino ng pagkakataong magtrabaho mula sa sariling tahanan.
Salin: Liu Kai
Photo Credit: 51Talk