[Op-Ed] Tsina, buong tapat na isinusulong ang kooperasyong Sino-Pilipino

2021-01-18 18:13:11  CMG
Share with:

[Op-Ed] Tsina, buong tapat na isinusulong ang kooperasyong Sino-Pilipino_fororder_wyduterte

Sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas nitong Enero 15 at 16, kinatagpo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ni Pangulong Rodrigo Duterte, at kinausap din siya ni Teodoro Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas.

 

Sa mga okasyong ito, ipinahayag ni Wang ang tumpak na tugon sa pag-asa ng panig Pilipino, hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang panig laban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayan.

 

Isinalaysay ni Wang ang buong lakas na suporta ng Tsina sa paglaban ng Pilipinas sa COVID-19, at ipinatalastas niya ang desisyon ng pamahalaang Tsino na libreng ipagkaloob sa Pilipinas ang 500 libong dosis na bakuna.

 

Bukod pa riyan, sinabi niyang hihimukin ng pamahalaang Tsino ang mga kompanyang Tsino na pasulungin, kasama ng panig Pilipino, ang kooperasyon para sa bakuna.

 

Dagdag ni Wang, buong sikap susuportahan ng Tsina ang pagbabalik sa normal na kalagayan ng kabuhayan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng koordinasyon ng Belt and Road Initiative at "Build, Build, Build" program, pagpapalakas ng kooperasyon sa kalakalan, e-commerce at pinansyo, at iba pa.

 

Samantala, nilagdaan din ng dalawang bansa ang kasunduan sa kooperasyong ekonomiko at teknikal.

 

Batay dito, ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino sa pamahalaang Pilipino ang 500 milyong yuan RMB o 3.72 bilyong Piso na pautang, para sa mga usaping may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, konstruksyon ng imprastruktura, at iba pang mga proyektong mapagkakasunduan ng kapwa panig.

 

May kasabihan sa Tsina: "Ibigay sa iba ang bagay na kinakailangan niya, at isipin kung anu-ano pa ang ikinababahala ng iba."

 

Batay sa ideyang ito, nakikipagkooperasyon ang Tsina sa Pilipinas sa mga aspekto kung saan may higit na pangangailangan ang panig Pilipino, na gaya ng bakuna kontra COVID-19, mga proyekto ng imprastruktura, mga tulong na pautang para sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at iba pa.

 

Ipinakikita rin nito ang katapatan ng Tsina sa kooperasyong Sino-Pilipino.

 

Umaasa tayong ang katapatang ito ay lalo pang maglalapit sa mga puso ng mga Tsino at Pilipino, at magtataguyod ng pangmatagalang pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.

 

May-akda: Liu Kai

Please select the login method