Mga dalubhasa ng WHO, isasagawa ang mga talakayan, pagbisita at paglalabay-suri sa Tsina

2021-01-29 14:55:56  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Huwebes, Enero 28, 2021, sinabi ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na pagkaraang matapos ang kuwarentenas, isasagawa ng mga dalubhasa ng World Health Organization (WHO) ang mga pagpapalitan na gaya ng talakayan, pagbisita at paglalakbay-suri sa Tsina.
 

Ayon kay Zhao, natapos kahapon ang 14-araw na pagkukuwarentenas ng mga dalubhasa ng WHO. Sa susunod na hakbang, sa ilalim ng paunang kondisyong sumusunod sa kaukulang tadhana ng panig Tsino sa pagpigil sa pandemiya, patuloy na isasagawa ng WHO mission ang pagpapalitan at pagtutulungan sa paghahanap ng pinanggalingan ng coronavirus sa Tsina.
 

Ang lahat ng mga aktibidad ay dapat umangkop sa simulain ng siyentipikong paghahanap ng pinanggalingan ng virus, at dapat gawing pinakamataas na layunin ang pagpigil sa mga nakatagong panganib, at pangangalaga sa buhay, kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan, dagdag ni Zhao.
 

Salin: Vera

Please select the login method