30, positibong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Pebrero 1; 12, domestikong kaso

2021-02-02 15:11:18  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 30 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Lunes, Pebrero 1, 2021.
 

Kabilang dito, 12 ang domestikong kaso, samantalang 18 naman ang galing sa labas ng bansa.
 

Hanggang magha-hating gabi ng Pebrero 2, 1,582 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
 

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Salin: Vera

Please select the login method