Sinabi nitong Linggo, Enero 31, 2021 sa Beijing ni Mi Feng, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na pagkaraang alisin ang kuwarentenas sa mga daluhasa ng World Health Organization (WHO), bumisita sila sa ilang pook ng Wuhan na kinabibilangan ng Wuhan Jinyintan Hospital.
Aniya, nagkaisa ng palagay ang panig Tsino at WHO mission, ukol sa iskedyul ng mga gawain sa susunod na hakbang.
Dagdag niya, igigiit ng panig Tsino, tulad ng dati, ang bukas, maliwanag at responsableng atityud, at patuloy na pananatilihin ang kooperasyon sa WHO, upang gawin ang ambag sa mas mainam na pagpigil sa mga nakatagong panganib sa hinaharap, at pangangalaga sa buhay, seguridad at kalusugan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.
Salin: Vera
Mga dalubhasa ng WHO, isasagawa ang mga talakayan, pagbisita at paglalabay-suri sa Tsina
Dalubhasa ng WHO: pagsisikap ng Tsina sa bakunang laban sa COVID-19, pinahahalagahan
WHO, tinatayang aabot sa 100 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa linggong ito
Di-patas na pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19, ikinababahala