Tsina, umaasang aanyayahan ng Amerika ang mga dalubhasa ng WHO para sa pananaliksik sa pinanggalingan ng coronavirus sa bansa

2021-02-03 16:30:55  CMG
Share with:

Inihayag nitong Martes, Enero 2, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang isasagawa ng panig Amerikano ang aktibo, siyentipiko at kooperatibong atityud sa isyu ng paghahanap ng pinanggalingan ng coronavirus, at aanyayahan ang mga dalubhasa ng World Health Organization (WHO) sa Amerika, para manaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
 

Winika ito ni Wang bilang tugon sa pagbatikos ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa umano’y “kawalan ng transparency” sa mga gawain ng WHO mission sa Tsina.
 

Aniya, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pinanatili ng panig Tsino ang mahigpit na ugnayan at kooperasyon sa WHO sa paghahanap ng pinag-ugatan ng virus, batay sa bukas at malinaw na pakikitungo.
 

Dagdag niya, ang paghahanap ng pinanggalingan ng virus ay isang masalimuot na isyung siyentipiko, at ito ay may kinalaman sa maraming bansa at lugar.
 

Salin: Vera

Please select the login method